-- Advertisements --
Nagmistulang Santa Claus ang isang 65-anyos na lalaki matapos na itapon sa maraming tao ang perang ninakaw nito sa banko sa Colorado.
Ayon sa kapulisan, hinoldap ng suspek na si David Wayne Oliver ang Academy Bank sa Colorado Springs.
Matapos nito ay mabilis na tumakas at habang tumatakas ay itinapon niya ang kaniyang ninakaw na pera sa maraming tao at sumigaw ng “Merry Christmas”.
Bahagyang nagkagulo ang mga tao at pinulot ang mga pera.
Matapos ang insidente ay hinintay na lamang ng suspek sa isang coffee shop ang mga kapulisan upang ito ay boluntaryong sumuko.