-- Advertisements --

Arestado ang isang lalaki na nagtangkang mag-amok sa isang mosque sa Canada.

Nagtulong-tulong ang mga mananampalataya ng mosque sa Dar Al-Tawheed Islamic Center sa Mississauga para pigilan ang suspek na si Mohammad Moiz Omar.

Ayon sa mga otoridad na armado ng mga matutulis na bagay ang nasabing suspek kung saan bago ito makapanakit ay napigilan na ito ng mga tao.

Isang worshipper naman ang nagtamo ng minor injury mula sa dalang bear spray ng suspek.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa tangkang pag-aamok.