-- Advertisements --
Napatay ng mga kapulisan ng San Francisco ang isang lalaki matapos ang ibangga nito ang kaniyang sasakyan sa konsulata ng China.
Ayon sa mga kapulisan na nabaril nila ang hindi kilalang lalaki na lulan ng isang asul na Honda na kotse.
Maraming mga katao sa lugar ang nabulabog ng paparating na ang sasakyan.
Agad na kinondina ng konsulada ng China ang nasabing insidente kung saan inakusahan ang hindi kilalang suspek na may intensiyon ito na manakit sa mga tao ng konsulada.
Walang anumang nasugatan sa nasabing insidente at inaalam ng mga otoridad ang motibo ng suspek.