DAGUPAN CITY – Matapos ang matagal na pagtatago naaresto na rin ang 26-anyos na lalaki makaraang manggahasa umano ng menor de edad na kapitbahay sa lungsod ng San Carlos, lalawigan ng Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si Jackson Garcia, residente sa nasabing lungsod.

Naisampa ang kaso noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Sinasabing may nagbigay ng impormasyon sa mga otoridad sa kinaroroonan ng akusado.

Mariin namang itinanggi ng akusado ang ibinebentang krimen.

Giit nito, kasintahan niya ang biktima at wala raw nangyari sa kanilang dalawa.