-- Advertisements --

LAOAG CITY – Sugatan at bali ang paa ng isang lalaki matapos maibangga sa isang truck ang minaneho nitong motorisiklo sa Brgy. 12, San Nicolas.

Nakilala ang biktimang nasa tamang edad at residente ng Brgy. 17 sa nasabing bayan habang ang ang driver ng elf truck na nakabangga nito ay nagtratrabaho sa Brgy. 19 ngunit tubo sa probinsya ng Apayao.

Base sa imbestigasyon ng PNP-San Nicolas, patungong hilagang direksyon ang truck habang patungong timog ang motorsiklo.

Samantala, sa pagliko ng truck ay biglang sumalpok ang motorsiklo na galing sa kabilang linya.

Dahil dito, tumalsik ang driver ng motorsiklo sa harap ng truck dahilan upang magtamo ng sugat sa ulo at nabali ang paa nito.

Nanatili ang driver ng motorsiklo sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center sa lungsod ng Batac habang nasa maayos na kundisyon ang driver ti truck.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na nasa impluwensya ng alak ang driver ng motorsiklo ng mangyari ang insidente.