Nagtayo ng replica ng sikat na Taj Mahal ang isang 52-anyos na lalaki sa India bilang regalo sa kaniyang asawa.
Itinayo ni Anand Prakash Chouksey ang gusali na tinawag niyang “monument of love” sa Burhanpur city sa Madhya Pradesh.
Nagkakahalaga ang nasabing bahay ng katumbas ng $260,000 na nakatayo sa 20 hektaryang lupain na makikita rin ang isang pagamutan.
Ang Taj Mahal kasi ay isang masusoleum noong 17th century sa Agra city na itinayo ni Mughal emperor Shah Jahan bilang pag-aalala kay queen Mumtaz na namatay habang isinisilang ang ika-14 na anak nila.
Hindi lamang ito ang unang beses na may gumaya sa nasabing sikat na Taj Mahal dahil noong 2013 ay isang retiradong government officials sa Uttar Pradesh ang nagtayo rin ng replica nito bilang pag-alala sa kaniyang pumanaw na asawa.