Sa kulungan ang bagsak ng isang high value individual matapos masabat mula sa posisyon nito ang mga pakete ng shabu kaninang alas 11 ng umaga, Oktubre 20, sa Sikatuna St. Brgy. Parian, nitong lungsod ng Cebu.
Nakilala ang naaresto na si Rosalitao Cañete Jr, 30 anyos at residente ng Brgy. Bulacao sa lungsod ng Talisay.
Nakumpiska mula sa posisyon nito ang 200 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1,360,000 at iba’t ibang drug paraphernalia.
Sa panayam ng Star Fm Cebu kay PMaj Efren Diaz Jr, sinabi nitong dumaan si Cañete habang nagsagawa sila ng checkpoint. Nang napansin na wala itong suot na helmet ay pinahinto nila at hinanapan ng lisensya.
Nang akma ng kukunin ng suspek ang lisensya ay bigla nalang umano nitong itinulak ang pulis at daling tumakbo ngunit napigilan din ng kanilang kasamahan.
Dagdag pa ni Diaz na posibleng patungo sana ang suspek sa pagdispose ng droga sa mga lugar nitong lungsod.
Inamin din umano nito na makapagdispose siya ng isang kilo ng shabu kada linggo.
Nahaharap ngayon ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.