Itinuturing na nakuha ng 48-anyos na Belgian ang record na may pinakamatagal na naupo sa toilet bowl.

Umabot sa 116 na oras ang kabuuang ginupo ni Jimmy De Frenne at sinasabing siya ang nakakuha ng record.

Aniya na kaya niya ginawa ito ay dahil wala pa siyang nakikita na gumawa ng nasabing record.

Pinapayagan naman siya ng limang minuto kada oras para makipag-usap sa kaniyang mga kaibigan at kaanak.

Umaasa naman ito na maitala siya ng Guinness World of Record dahil sa kaniyang ginawa.