LEGAZPI CITY – Arestado ang isang lalaki matapos ang ginawang pananaga sa Purok 4, Brgy. Flores, Pio Duran, Albay kung saan biktima sa insidente si Nelly Polgo, 48-anyos na napag-alaman na ina ng suspek.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PCapt. Dexter Nabol, hepe ng Pio Duran Municipal Police Station, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon nna armado ng itak ang suspek na si Elvis Polgo, 32-anyos ng biglang tagain ang sariling ina.

Nagtamo ng tama sa ulo si Nelly na agad na dinala sa ospital at nasa ligtas nang kalagayan sa ngayon.

Agad naman na naaresto ng mga opisyal ng barangay ang suspek at itinurn-over sa pulisya.

Hindi na rin nakuha pa ang itak na ginamit ng suspek sa insidente habang inaalam pa kung may problema sapag-iisip ang salarin.

Samantala, hindi rin malinaw ngayon kung ano ang pinag-ugatan ng naturang insidente kaya nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad.