-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos pagtatagain sa Del Gallego, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Daniel Suarilla, 59-anyos, residente ng Barangay Comadogcadog sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na habang nag-aayos ng kaniyang tindahan ang biktima katulong ang asawa nito nang bigla na lamang dumating ang suspek na kinilalang si Solomon Amor, 50-anyos.

Kaugnay nito, habang armado ng bolo, dito na nito pinagtataga si Suarilla.

Nagtamo ng tama sa leeg ang biktima na naging dahilan naman ng agaran nitong kamatayan.

-- Advertisement --

Samantala, pinaniniwalaang ang matagal nang kinikimkim na galit ni Amor sa biktima ang naging motibo sa krimen.

Kaagad namang naaresto ang suspek at ngayon ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad para sa karampatang disposisyon.