NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos na pagsasaksakin sa Mulanay, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Jayson Ciar Chumacera, residente ng Brgy. Sta. Rosa sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nasa Barangay Festival Party sa Brgy Bagong Silang ang biktima at ang mga suspek na kinilalang si Noel Lasam at Jeffrey Lasam, residente ng Brgy Amuguis, sa nasabing lalawigan ng magkaroon ng mainit na diskusyon sa pagitan ng mga ito.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na ng pauwi na umano si Chumacera sa kanilang bahay ng tambangan ito ng mga suspek at dito na pinagsasaksak.
Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na agad namang dinala sa ospital ngunit tuluyan rin itong binawian ng buhay.
Samantala, agad naman na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang direksiyon.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad maging ang pagtukoy sa posibleng kinaroroonan ng nasabing mga suspek.