Reading Time: 1 minute

TACLOBAN CITY — Patay ang isang lalaki matapos na pagsasaksakin ng kaniyang bayaw sa Sitio Mamba, Barangay Dapdap, Alang-alang Leyte.

Nakilala ang biktima kay Melchor Bertulfo, 47 taong gulang at residente ng naturang lugar.

Samantalang ang suspek naman ay nakilala na si Rongie Raganit, 32 taong gulang.

Ayon kay P/Capt Ambrosio Dimain, hepe ng Alang-alang MPS, na nagbibilad ng palay ang biktima kasama ang kaniyang asawa ng bigla nalang lumapit ang suspek at pinagsasaksak ito.

Napag-alaman na bago ang naturang insidente ay ilang araw ng hindi lumalabas sa kanialng bahay ang suspek at may kakaiba an ang mga kinikilos.

Nagtamo ng apat na saksak ang biktima na nadala pa sa ospital pero ideneklara ng dead on arrival.

Sa ngayon ay patuloy pang pinaghahanap ng kapulisan ang naturang suspek na agad na nagtago matapos an insidente.