VIGAN CITY – Dead on the spot ang isang 20-anyos na lalaki sa Ilocos Sur matapos matusok ng nakausling bakay sa ginagawang tulay sa Candon City.

Ayon kay police Lt. Col. David Dulnuan, hepe ng Candon City Police, pauwi na ang binatilyong si Jaster Wurdo Tuquero nang mangyari ang aksidente.

Batay sa ulat galing inuman kagabi ang biktima kaya nagtaka raw ang pamilya nito bakit hindi pa ito umuuwi.

Galing sa isang bar bayan ng Sta. Lucia si Tuquero kaya posible raw na nawalan ito ng kontrol sa pagmamaneho ng motorsiklo.

Tusok sa ang katawan ng biktima matapos matumba at malaglag sa kanal na may dalawang metro ang lalim.

Isang Manuel Haboc Galdones ang unang nakakita sa bangkay ng patay na si Tuquero.