-- Advertisements --
KALIBO, Aklan —- Wala nang buhay nang makarating sa Aklan Provincial Hospital ang isang 45-anyos na lalaki matapos na makuryente habang naglalakad sa public plaza ng Barangay San Roque, Malinao, Aklan.
Kinilala ang biktimang si Felicesimo Francisco, Jr. isang laborer at residente ng nasabing lugar.
Ayon sa Malinao Municipal Police Station, nakita ng ilang residente ang biktimang nangingisay na agad namang nirespondehan ng mga tauhan MDRRMO at isinugod sa ospital.
Ayon sa pulisya, nakuryente ang biktima matapos aksidenteng mahawakan ang live wire ng streetlights kaya ito namatay.
Paalala naman ng pulisya na huwag basta-bastang hawakan ang mga nakalaylay na linya ng kuryente.