-- Advertisements --
Patay ang isang lalaki matapos na magbaril sa sarili sa harap ng US Capitol building.
Ayon sa mga kapulisan, unang ibinangga ng lalaki ang kaniyang sasakyan sa nakaharang na barikada bago nagpaputok ng baril sa ere.
Matapos ang ginawang pamamaril sa ere ay itinutok nito ang baril sa sarili.
Kasalukuyang naka-recess ang US congress at inaalam pa ng mga kapulisan ang motibo ng biktima.
Kasalukuyang nakalagay pa ri ang barikada sa US Capitol dahil sa kilos protesta na isinasagawa dahil sa ruling ng abortion.