-- Advertisements --
Patay ang isang lalaki matapos ma-heat stroke habang naglalakad ito sa daan patungo sa poblacion ng bayan ng Adams.
Ayon kay Police Lt. Eddie Valdez, chief of police ng PNP-Adams, nakita na lamang na nakahiga sa kalsada ang biktima na nakilalang si Lito Purdos, 77-anyos.
Ani Valdez, mismong anak ng biktima ang siyang nagsabi sa kanila sa sitwasyon ng kanyang ama.
Dahil dito, sinabi ni Valdez na agad silang nagtungo sa lugar kasama ang ilang kawani ng Rural Health Unit (RHU) ngunit idineklara ni Dr. Bielmaju Walley Bawingan na wala ng buhay ang biktima.
Wala naman umanong nakitang foul play sa pagkamatay ng biktima dahil sa heat stroke ito namatay.