BOMBO DAGUPAN – Nasawi ang isang lalaki matapos itong maaksidente sa palikong parte ng isang barangay road sa Barangay Angio sa
bayan ng San Fabian dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay PltCol. Michael Datuin, Chief of Police ng San Fabian PNP, kinilala ang biktima na si Sixto Busilan, residente ng barangay Poblacion sa naturang bayan.
Base sa kanilang isinagawang imbestigasyon, nanggaling umano ng inuman ang biktima at dahil umano’y nasa ilalim ito ng impluwensya ng alak ay maaaring hindi nito nakalkula ang pagliko ng kanyang motorsiklo at nabagok ang kaniyang ulo na naging sanhi ng kaniyang pagkasawi.
Aniya may dala namang helmet ang biktima ngunit hindi niya ito suot nang maaksidente ito.
Sinabi naman ni Datuin na nang matanggap nila ang report, ay agad nila itong nirespondehan ngunit nang makarating sila ay hindi na nila nadatnan ang biktima dahil agad din itong itinakbo sa malapit na ospital.
Sa kasamaang palad, idineklara naman itong dead on arrival.