Reading Time: 1 minute

TACLOBAN CITY – Dead on the spot ang isang motorista matapos itong bumangga sa isang Toyota Hilux sa bahagi ng Barangay Dapdap, Alang-alang, Leyte.

Kinilala ang biktima na si Ederson Samson, 28 taong gulang, residente ng Pastrana, Leyte.

Ayon kay Police Capt. Margarito Salaño, tagapagsalita ng Leyte Police Provincial Office (LPPO), biyahe papuntang Ormoc ang naturang Hilux na minamanehuan ng isang Carlo Abajon habang biyahe namang pa-Tacloban ang sinasakyang motorsiklo ng biktima.

Batay sa kanilang imbestigasyon, biglang nag-over take ang biktima at pumunta sa linya ng Hilux na naging dahilan ng naturang banggaan.

Dahil sa lakas ng impact ay tumilapon ang biktima at natuklap pa ang ilang bahagi ng kanyang ulo.

Hawak naman sa ngayon ng PNP ang driver ng four-wheel vehicle para sa proper disposition.