-- Advertisements --
image 25

Kumamada si Anthony Davis ng 39 points, kasama ang 12 sa fourth quarter, para gabayan ang Lakers sa 113-105 panalo sa Golden State Warriors.

Ito ang ikatlong pagkakataon ngayong season na nakapagtala si Davis ng mahigit sa 39 points para sa Los Angeles (31-34).

Kinailangan kasing mag-step-up ni Davis dahil wala si LeBron James na dumanas ng foot tendon injury.

Nagdagdag si Austin Reaves ng 16 points, habang may 14 markers si Troy Brown, Jr.

Tinuldukan naman ang five-game winning streak ng Golden Sate (34-31) na itinampok ang pagbabalik ni Stephen Curry.

Para kay Wenyen Gabriel ng Lakers, inaasahan na nila ito dahil sa kahandaan ng kanilang team.\

Binati pa ni Gabriel ang kanilang mga fans sa Pilipinas na nakatutok din sa mga laro ng NBA ngayong season, lalo na ang mga sumusubaybay sa Bombo Radyo Philippines.