-- Advertisements --
Nagtala ang Los Angeles Lakers ng highest scoring game sa loob ng 37 taon.
Naitala ng Lakers ang record ng talunin nila ang Indiana Pacers sa score na 150-145.
Pinangunahan nina LeBron James at Anthony Davis ang koponan habang mayroong apat na manlalaro ang nagtala ng hindi bababa sa 25 points.
Ito na ang pinakamataas na scoring ng koponan sa laro ngayong season.
Mayroong 36 points at 16 rebounds si Davis habang mayroong tig 26 points sina James at Spencer Dinwiddie at 25 points naman ang naitala ni Austin Reaves.
Ayon sa NBA na ang nasabing apat na manlalaro ay naging unang quartet na magkaka-teammates na nagtala ng mahigit 25 points sa nagdaang tatlong taon.
Sila rin ang unang Lakers teammates na nakapagtala ng record mula pa noong 1971.