-- Advertisements --

Hindi naging maganda ang pagsisimula ngayong season ng Los Angeles Lakers.

Naitala kasi nila ang pang-limang pagkatalo sa labas ng kanilang ngayong season ang huli ay ng talunin sila ng Houston Rockets 128-94.

Habang ang tatlong laro na ginanap sa kanilang court ay kanilang naipanalo.

Sila rin ang unang koponan sa kasaysayan ng NBA na nagtala ng hindi magandang record sa three-points attempts.

Una ay mayroon silang mababang three points na ginawa kumpara sa kanilang katunggaling koponan at ang mababang three-point percentage.

Mayroong pitong three points kasi ang nagawa sa 25 attempts nila noong makaharap ang Rockets.

Naniniwala naman ang mga basketball analyst na ang Lakers pa rin ang isa sa mga paboritong koponan na magkampeon ngayong season.