-- Advertisements --
Maaga ng nagpahiwatig ng interest ang NBA champion na Los Angeles Lakers sa pagkuha kay Derrick Rose.
Ayon sa ilang Lakers offiicials na posibleng matuloy na ang pagkuha nila kay Rose mula sa Detroit Pistons.
Mayroon pa kasing isang taon bago maging free-agent na si Rose.
Itinturuing kasi na isang malaking asset si Rose sa koponan na siyang magiging kapalitan ni Rajon Rondo sa nasabing basketball court.
Bukod aniya kay Rose ay interesado rin ang Lakers sa muling makuha nila si Jordan Clarkson na kanilang dating kasama at lumipat na ngayon sa Utah Jazz.










