-- Advertisements --

Lumakas pa ang pag-asa ng Los Angeles Lakers na makahabol sa NBA playoffs matapos na maitala ang ikatlong panalo kanina laban sa Houston Rockets, 124-122.

Ito ay sa kabila na hindi nakalaro ang kanilang big man na si Anthony Davis at maging ang star player na si LeBron James at point guard na si Alex Caruso.

Sumandal ang defending champion kay Kyle Kuzma na swerteng naipasok ang tira sa huling segundo upang ipanalo ang laro ng dalawang puntos.

Sa kabuuan merong 19 points si Kuzma habang muling umeksena si Talen Horton-Tucker na nagbuslo ng 23 puntos.

Sa ngayon nasa ika-pitong puwesto ang Lakers at dalawang laro na lamang ang natitira bago magtapos ang NBA regular season.

Umaasa ang koponan na makapaglaro na rin sina LeBron para makatulong upang maisalba ang team at makaiwas sa play-in-round.