Nabigo ang Los Angeles Lakers na maipanalo ang laban sa karibal na Los Angeles Clippers, sa naging bakbakan ng dalawang team na tinaguriang Battle of LA finale.
ang nasabing laban sana ay magdedetermina kung sino sa dalawang LA team ang papasok sa top-6 seeding sa Western conference.
sa panig ng Clippers, nagbuhos si Kawhii Leonard ng 25 pts at 7 rebounds, sa loob ng 43 mins na paglalaro. ngayong regular season, ito na ang pinakamahabang playing time na ibinigay kay Leonard.
nag-ambag din si Norman Powel ng 27 pts at 4 assissts, sa loob ng 35 mins na paglalaro.
sa panig naman ng Lakers, nasayang lang ang 33 pts at 8 rebounds ni Lebron James, kasama na ang 17 pts, 11 rebounds double-double performance ni Anthony Davis.
Dahil sa panalo, umabanse na ang Clippers sa no.5 seed habang napako pa rin sa number 7 ang Lakers.