Wala pa umanong katiyakan kung makakalaro bukas ang top big man ng Los Angeles Lakers na si Anthony Davis.

Batay sa statistics, malaking kawalan kung hindi makakalaro si Davis lalo na at nag-a-average ito ng 32 points kada game sa Western Conference finals.

Una nang nakaranas ng ankle injury sa kaliwang paa si Davis matapos matapilok sa Game 4 sa laban nila kontra sa Denver Nuggets.

Isang panalo na lang ang kailangan ng Lakers bago umusad sa NBA finals.

Ayon naman sa ilang observers, pwede namang ipahinga muna ng isang game si Davis upang makapaghanda kung sakaling umusad na sila sa finals.

Sinasabing delikado rin ang ankle injury lalo na kung maulit muli ito.

Pero para kay AD sisikapin niyang makalaro upang makatulong sa inaasam na makarating sa finals.