-- Advertisements --

Nagpahayag ng kanilang “full and unqualified support” ang Lacas-CMD hindi lamang sa mapipiling presidential candidate ng Hugpong ng Pagbabago (HNP), kundi maging sa mapipili rin nilang vice-presidential candiddate.

Sinabi ito ni Lakas-CMD president at House Majority Leader Martin Romualdez matapos sabihin naman ni HNP Secretary-General Anthony del Rosario na posibleng sa Oktubre pa makakabuo ng desisyon si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio hinggil sa posibleng pagtakbo sa pagka-presidente sa 2022 national elections.

Ayon kay Romualdez, noong Hunyo 23 ay nagdesisyon ang partido na i-renew ang kanilang alyansa sa issue ng good governance, national unity, at patuloy na reportma sa economic recovery, kablang na ang kampanya sa paglaban kontra COVID-19 pandemic.

Hangad aniya nila na magkaroon ng mas malakas pang kooperasyon sa pagtitiyak ng preservation ng democratic process sa bansa para sa mas malakas na bansa, kabilang na ang mapayapa at maayos na halalan.

Wala rin aniya silang problema sa pakikipagtulungan sa HNP mula nang mabuo ang kanilang alyansa noong Nobyembre 2018 dahil parehas naman silang nais na magkaroon ng maayos na pamamalakad sa pamahalaan at epektibong serbisyong publiko.