-- Advertisements --

Kinumpirma ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na pag-iisahin na lamang ng komisyon ang lahat ng petisyon sa substitution bid ni dating National Youth Commission Chairman Ronald Cardema.

Layon aniya nito na mapabilis ang pagpapalabas ng desisyon ng Comelec sa nasabing petisyon.

Kaugnay nito, nanindigan naman ang Comelec en banc na huwag muna mag-isyu ng certificate of proclamation sa Duterte Youth Partylist.

Kabilang sa mga kinukuwestiyon ng petitioners ang pagiging overage ni Cardema para maging kinatawan ng mga kabataan sa party-list.

Kaugnay nito, muling ipinagpatuloy ngayong araw ng Comelec First Division ang pagdinig sa kasi ni Cardema.