Positibo ang Bureau of Customs (BOC) na maipapadala na sa mga recepients ang mga abandonadong balikbayan boxes bago ang Christmas matapos ang ilang buwang pagkaantala ng delivery.
Ayon kay Customs spokesperson at Operations Chief Arnaldo dela Torre Jr., nakikipag-ugnayan na ang ahensiya para sa ship out ng balikbayan boxes o para sa pick up ng recipients.
Una rito, libu-libong mga balikbayan boxes na mula sa Middle East ang inabandona ng courier services sa BOC.
Ayon sa BOC official na tatlong kompaniya ang natukoy na sangkot sa mga abandonadong shipments kabialng dito ang CMG International Movers, Kabayan Island Express, at All Win.
Sa kabila nito, sinabi ng BOC na may option ang mga recipients kung saan maaaring anatayin ang delivery ng kanilang balikbayan boxes sa pamamamagitan ng door-to door i maaring i-pick up sa warehouse.