-- Advertisements --
image 13

Inanunsiyo ng Philippine National Railways (PNR) na ititigil ang biyahe sa lahat ng istasyon nito sa Metro Manila simula sa Disyembre ng kasalukuyang taon.

Ayon kay PNR Chairman Michael Macapagal, ito ay para bigyang-daan ang North-South Commuter Railway project ng PNR at Department of Transportation (DOTr).

Simula naman kahapon, Hulyo 2 mula Alabang hanggang Biñan na lamang ang biyahe ng tren ng Philippine National Railways.

Nilinaw din ng PNR official na sa Hulyo 15 pa matutuloy ang pagtigil ng biyahe ng kanilang tren para sa rutang Alabang-Calamba-Alabang.

Nasa 500 mananakay ng tren kada araw naman ang inaasahang maapektuhan sa nakatakdang tigil biyahe ng tren ayon sa pamunuan ng PNR.

Sa kabila nito ayon kay Macapagal mag-iisyu ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng karagdagang prangkisa lalo na para doon sa maaapektuhang ruta para matulungan ang mga apektadong commuter.