Laguna Gov Ramil Hernandez
-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 si Gov. Ramil Hernandez ng Laguna.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Hernandez na kahapon lang niya nalaman ang resulta ng kanyang swab test.

Sa kasalukuyan siya ay naka-home quarantine na.

Sinabi rin niya na nakakaranas siya ng mild symptoms.

Gayunman, patuloy pa rin aniya siyang magtatrabaho habang nagpapagaling sa kanyang bahay.

-- Advertisement --

Umapela naman din si Hernandez ng panalangin para sa kanyang agarang paggaling, at hinimok din ang publiko na magpabakuna na kontra COVID-19.