-- Advertisements --

Tiwala si Albay Rep. Edcel Lagman na ibabasura ng Korte Suprema ang Anti-Terror Law of 2020 dahil sa umano’y unconstitutional provisions na nilalaman nito para maprotektahan ang karapatang pantao.

Ginawa ni Lagman ang naturang pahayag isang araw matapos na maghain ng petisyon sa Korte Suprema para kuwestiyunin ang constitutionality ng bagong batas.

“We trust the Supreme Court will uphold the majesty of the Constitution by purging the Anti-Terrorism Act of 2020 of patently unconstitutional provisions and assuring that civil liberties would flourish,” ani Lagman.

Sinabi ng kongresista na hindi naman nangangahulugan ang paghahain niya ng petition ay tutol na siya sa pagsawata sa terorismo.

Ang kanyang hakbang, pati na rin ng iba pang mga petitioners, ay pagprotesta lamang aniya sa paggamit nang pangamba sa terorismo bilang dahilan para sagasaan ang civil liberties ng publiko.

Sa kangyang petition, iginiit ni Lagman na hindi malinaw ang pagbibigay ng panibagong kahulugan sa crime of terrorism, gayundin kung ano aniya ang mga gawain na ipinagbabawal o dapat iwasan gawin.

Iginiit din nito na ang ciminalization nang pagbabanta, pagmungkahi at pag-udyok para sa terorismo ay mayroong chilling effects sa karapatan sa free speech at dissent.