-- Advertisements --

Asahang bubuti na ang panahon simula bukas dahil sa patuloy na paglayo ng typhoon Malakas.

Ayon sa Pagasa, manipis na ulap na lang ang namataan sa Southern Luzon at Visayas.

Gayunman, posible pa rin ang mga biglaang buhos ng ulan dahil sa localized thunderstorms.

Huling namataan ang sentro ng bagyong Malakas sa layong 1,620 km sa silangan ng Northern Luzon o sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Taglay nito ang lakas ng hangin na 155 kph at may pagbugsong 190 kph.

Kumikilos ito nang pahilagang silangan sa bilis na 15 kph.