Nagwagi si Lady Gaga sa kaso laban sa babae na nagbalak na kumuha ng reward money matapos na maibalik ang nawawalang aso nito.
Ayon sa judge na walang karapatan si Jennifer McBride na kunin ang reward dahil napatunayan na siya rin ang nagnakaw ng aso ng singer noong 2021.
Una rito ay nagsampa ng kaso si McBride dahil sa hindi nito pagbibigay ng reward at humihingi pa siya ng damyos na nasa $1.5-M.
Magugunitang noong Pebrero 2021 ng ipinasyal ng nirentahang dog walker ng singer na si Ryan Fishcer ang tatlo nitong French bulldogs sa Hollywood.
Binaril siya ng tiyan na tinawag ng Los Angeles County District Attorney’s Office bilang “cold-hearted violent act”.
Nakaligtas ito matapos na maoperahan sa kidney.
Noong Disyembre 2022 ay hinatulang makulong ng 21 taon ang suspek na si James Howard Jackson.
Tinangay ng kasabwat ng suspek ang dalawang aso nito na si Koji at Gustavo matapos ang insidente.
Ilang araw ay naibalik ni McBride ang mga nawawalang aso ng ianunsiyo ng singer na magbibigay ito ng reward.
Abril 2021 ng inaresto si McBride kasama ang apat na iba pa dahil sa pagkakasangkot sa pagdukot ng aso ng singer.