-- Advertisements --
Inilabas na ni Lady Gaga ang official music video ng bago nitong kanta na “Hold My Hand”.
Ang nasabing kanta ay napili bilang soundtrack ng inaabangang “Top Gun: Maverick” na pinagbibidahan ni Tom Cruise.
Kinuha ang nasabing music video nito sa isang US military base.
Inamin ng American singer-actress na nahirapan ito sa nasabing paggawa ng kanta.
Dagdag pa nito na ang kanta ay hindi lamang para sa pelikula at sa halip ay para sa mga tao na tila nawawalan na ng pagasa sa buhay.
Nakatakdang ipalabas sa mga sinehan naman ang nasabigng pelikula ngayong buwan.