MANILA – Naniniwala si Sen. Panfilo Lacson na makakatulng sa pagbagon ng ekonomiya ng bansa ang implementasyon ng National ID ngayong taon.
Isa si Lacson sa mga may akda ng ipinasang Philippine Identification System Act noong 2018.
“The lack of identification creates formidable barriers for the downtrodden and the poor, and creates even larger barriers between the government and the people,” ayon sa senador.
Sa pamamagitan daw ng National ID mas mapapabilis ang pagbangon ng Pilipinas mula sa bumagsak na ekonomiya noong nakaraang taon na dulot ng COVID-19 pandemic.
Makakatulong din daw ito sa inaabangan nang rollout ng coronavirus vaccines sa susunod na buwan.
“Hence, we should push for the implementation of the National ID if we want to further strengthen our response not only against the pandemic, particularly in the roll-out of the much-awaited vaccines, but in many of our future endeavors.”
Para kay Lacson, malaki rin ang magiging ambag ng National ID sa pag-abot ng bansa sa “herd immunity” sa COVID-19.
“Once we have that herd immunity, where about 75 to 80 percent of the population are vaccinated, we can move around, go on and resume our economic activities.”
Tiniyak ng senador na walang lalabigin sa pangongolekta ng impormasyon ang bagong sistema, dahil basic o pangunahing datos lang ng bawat indibidwal ang kokolektahin.
Layunin ng National ID na pag-isahin na lang ang identification card ng mga Pilipino para sa mga magiging transaksyon sa ilang serbisyo at sa gobyerno.