Inamin ni presidential candidate Senator Panfilo Lacson na nagsisisi siya sa pagsali sa Partido Reporma, at sinabing “mali ang kalkula” niya sa mga pulitiko sa nasabing partido.
Matatandaan, naunang humiwalay si Lacson sa Partido Reporma matapos magdesisyon ang presidente ng partido na si dating House Speaker Pantaleon Alvarez at ang Davao del Norte bloc ng grupo na mag-endorso ng isa pang presidential contender.
Gayunpaman, pinanindigan ni Lacson na wala siyang “ill feelings” sa nangyari.
Aniya, “no heartaches” lalo pa at isang araw lamang ang election pero may mga aral naman siyang natutunan.
Ang pinagsisihan lamang niya ay dahil ito ang kaniyang huling pagtakbo sa halalan, gusto niyang e-apply sa kaniyang sarili ang aral na kaniyang natutunan at ito lang ang kaniyang pinagsisisihan.