Hinamon ni Sen. Panfilo Lacson si Pangulong Rodrigo Duterte na parusahan si Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon kung talagang tapat ito sa kanyang kampanya kontra iligal na droga at katiwalian.
Ito’y kasunod ng panibagong issue na kinasasangkutan ng opisyal dahil sa paglaya ng halos 2,000 convicted murder and rape criminals mula sa kulungan.
“If the President does not take drastic action on this latest caper of an official who was recycled in spite of questionable actions committed in his previous assignment like the P6.4-billion shabu smuggling that got away under mysterious circumstances,” ani Lacson.
Ayon sa senador, tila nabalewala ang pagsisikap ng pamahalaan sa intelligence at mga pagkalap ng mga ebidensya dahil madali lang na nakalaya ang naturang mga kriminal dahil sa good conduct time allowance.
Naniniwala ang senador na may pananagutan si Faeldon sa maagang release ng heinous crime convicts.
“Here is Faeldon and whoever else was responsible, by the stroke of their pens, would release at least 48 drug convicts out of the 1,914 heinous crime convicts under questionable circumstances.”
Batay sa datos ng BuCor, mula 2014 ay nasa higit 22,000 preso na ang nakalaya dahil sa GCTA.
Kung maaalala, dati ng nadawit sa issue ng shabu si Faeldon nang nakaupo pa bilang hepe ng Bureau of Customs.