-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Tinututukan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFW’s) sa Hong Kong lalo na ang mga tinamaan ng COVID-19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Kalihim Bello na batay sa report sa kanya ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Hong Kong ay walang OFW na hindi na pinabalik ng employer matapos tamaan ng COVID-19.

May isang OFW ang tinamaan ng COVID-19 ang hindi na nakabalik sa trabaho dahil nagtapos na ang kanyang kontrata at hindi tinerminate.

May anim na nagkasakit ng COVID-19 na dinala sa COVID-19 facility ngunit nakabalik sa kanilang trabaho matapos silang gumaling.

Tiniyak ni Kalihim Bello na tutulungan ng DOLE ang mga OFW gusto nang umuwi sa Pilipinas matapos tamaan ng COVID-19.