-- Advertisements --

Nanawagan ang labor group na Federation of Free Workers sa gobyerno na magbigay ng tulong sa mga biktima ng nangyaring landslide sa bayan ng Maco sa lalawigan ng Davao de Oro. 

Hinimok nito ang Department of Labor and Employment at Employees’ Compensation Commission na magbigay ng agaran at komprehinsibong tulong bukod pa sa mga benepisyo na matatanggap ng biktima sa Social Security System o SSS.

Inihayag din ng grupo na dapat umanong magbigay ang SSS at DOLE ng psychosocial interventions at employment assistance sa mga biktima at pamilyang naapektuhan ng nangyaring landslide. 

Bukod dito, hinimok din ng Kilusang Mayo Uno ang pamahalaan maging ang may-ari ng gumuhong minahan na Apex Mining Corporation Inc. na magbigay ng agarang suporta sa mga namatayan at nasugatan na residente at empleyado ng naturang minahan.