Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jonah Lalas Cataga, ina ng biktima na kinilalang si Reggie Lalas, 26-anyos, sinabi nito na inabutan niya ang kanyang anak sa pagamutan na nauubusan na ng dugo dahil sa matinding pinsala na tinamo nito sa kanyang ulo mula sa aksidente subalit tila pinababayaan na lamang ito ng mga doktor at nars.
Ani Cataga na pinakiusapan pa nila ang mga doktor ng naturang ospital na dalhin at ilipat na lamang ito sa ibang pagamutan kung hindi rin naman nila ito aasikasuhin, subalit sa halip na pakinggan at pagbigyan ang kanilang kahilingan ay iginiit ng mga ito na mayroon din lamang silang sinusunod na mga proseso.
Dagdag nito na sinabihan pa sila ng mga doktor na kahit ilipat man niya ang kanyang anak sa ibang pagamutan ay hindi rin ito tatanggapin kahit pa pipirma ito ng kaukulang dokumento o kung itatawag man nila sa ibang ospital.
Sa halip aniya ay naghintay pa sila ng mahigit isang oras bago pa man napagbigyan ang kanilang kahilingan na maitawag ang sitwasyon at maitakbo sa ibang karatig na pagamutan ang kanyang anak kahit na sa daan na ito bawian ng buhay.
Nang itawag naman umano ng pagamutan sa ibang ospital ang kalagayan ng biktima ay hindi pa kaagad na tinugunan ang panawagan nito bagkus ipinaliwanag pa ng nakausap niyang doktor ng Pangasinan Medical Center (PMC) ang iba’t ibang mga proseso gaya na lamang kung magkano ang babayaran nila.
Hindi naman maipaliwanag ni Cataga ang sakit na kanyang nararamdaman sa sinapit ng kanyang ng dahil lamang sa kapabayaan ng mga doktor at hindi pagdinig sa kanyang pagmamakaawa.
Aniya na kung pinakinggan sana ng mga doktor ang kanilang kahilingan ay maaaring buhay pa ang kanyang anak hanggang ngayon.
Samantala, sa parehong panayam sa asawa ng biktima na si Lyra Zapanta, inilarawan nito si Lalas bilang isang mabait, masipag, at mapagmahal na asawa, kapatid, at anak.
Aniya na kahit pa na minsan ay nagkakamali ito sa kanyang mga desisyon at kung minsan ay hindi na nito alam ang kanyang gagawin, hindi naman ito nagkulang para sa kanyang pamilya.
Saad ni Zapanta na napakasakit na makita sa kanyang asawa ang pagnanais pa nitong mabuhay at lumaban para sa kanyang pamilya sa kabila ng kawalan ng sapat na pangangalaga at paggamot sa kanya ng mga doktor sa ospital kung saan ito isinugod.
Dagdag pa ni Zapanta na nangako ang kanyang asawa na magbabago para sa kanila, subalit hindi naman nito lubos akalain na sa isang iglap ay mawawala na ito sa kanilang buhay at hindi na nila muling masisilayan pa ang kanyang asawa at ama ng kanyang anak.
Si Lalas ay pangalawa sa apat na magkakapatid. At ayon sa kanyang naiwang mga mahal sa buhay ay magdiriwang sana ng kanyang kaarawan sa Enero 31, ngunit sa kasamaang-palad at hindi na nila ito makakasama.
Magugunita na isa si Lalas sa dalawang nasangkot na mga drayber sa isang aksidente noong nakaraang Miyerkules, kung saan ay nagtamo ito ng malalang pinsala sa kanyang ulo at ilang bali sa kanyang katawan dahil sa sobrang lakas ng nangyaring banggaan ng dalawang tricycle.
Patuloy namang nagpapagaling sa pagamutan ang isa pang drayber na si Rogelio Manaois Indong, 49-anyos, at residente ng Brgy. Luyan, Mapandan, Pangasinan.
Nanawagan naman ng tulong at hustisya ang pamilya dahil sa nangayri sa kanilang anak.
Labis ang paghihinagpis ng pamilya ng nasawi na 26-anyos na lalaki matapos ang naganap na salpukan ng dalawang tricycle sa bayan ng Mapandan.