-- Advertisements --
Dumating na sa London ang labi ni Queen Elizabeth II mula sa Scotland.
Lumapag ang sinakyan nitong Royal Air Force C-17 transporter plane sa Northolt at ito ay patungo sa Buckingham Palace.
Nagkaroon ng maiksing seremonya sa paliparan bago isinakay sa karo patungong Buckingham Palace.
Sasalubungin ng Royal Family ang mga labi ng monarch queen sa Buckingham Palace.
Dumagsa naman ang mga tao sa gilid ng kalsada habang dumadaan ang sasakyan kung saan nakalagay ang bangkay ni Queen Elizabeth.
Dinagdagan na rin ang bilang ng mga kapulisan sa lugar dahil sa inaasahang pagdami ng mga tao na nais na makita at makiramay sa Buckingham Palace.