Tiniyak ni Overseas Workers Welfare Administration chief Hans Leo Cacdac na iuuwi ng pamahalaan ang labi ng mga OFWs sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) kahit hindi pa COVID-19 ang sanhi ng pagkamatay ng mga ito.

Ayon kay Cacdac, si Labor Sec. Silvestre Bello III ang nagpapasinaya sa inisyatibang ito.

May target date na aniya sila para sa repatriation ng mga labi ng mga pumanaw na OFWs pero hindi pa raw niya maaring sabihin sa ngayon kung kailan ito.

Nitong Miyerkules lamang, sinabi ni Bello na tatalakayin nila ang apela ng pamilya ng mga nasawing OFWs na maiuwi ng bansa ang labi ng kanilang kaanak na pumanaw dahil sa COVID-19.

Ang inisyal na plano ng IATF ay ilibing ang mga katawan sa Saudi dahil ipinagbabawal doon ang creamation at nagbabala rin ang mga health experts sa pag-transport ng mga uncremated bodies ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Base sa kanilang latest data, nasa 287 ang bilang ng labi ng mga OFWs sa Saudi Arabia, kung saan 107 ang pumanaw dahul sa COVID-19 at 180 naman ang sa natural causes.