-- Advertisements --
DAVAO CITY – Nakauwi na sa Davao City ang labi ng isa sa mga staff ng bumagsak na air ambulance kamakailan sa Calamba, Laguna.
Emosyonal ang asawa ng namatay na nurse na si Yamato Togawa dahil nakausap niya pa raw ito bago nangyari ang plane crash.
Inilarawn pa nito si Togawa bilang masiyahin at passionate na tao.
Kung maaalala, patay ang siyam na sakay ng King Air 350 medical evacuation plane nang bumagsak sa magkatabing private resorts.
May dalawa namang nasugatan sa trahediya.
Galing Dipolog City ang eroplano para sunduin at ihatid sa Maynila ang isang New Zealand national na may sakit.
Bukod sa asawa, naulila ni Togawa ang kanyang 7-month old na anak.