Reading Time: 1 minute

DAVAO CITY – Dumating na sa Davao ang labi ni Yamato Togawa, ground staff ng air ambulance na King Air 350 na bumagsak sa isang resort sa Calamba, Laguna na ikinamatay ng siyam na katao.

Inihayag ng asawa ni Yamato na ka-text pa niya ang kanyang asawa na nag-kwento na gutom na ito ilang minuto bago ang plane crash.

Inilarawan ng kanyang asawa si Togawa na isang happy go lucky na tao at napaka-passionate sa lahat ng ginagawa nito.

Lumaki sa Davao City si Yamato.

Naiwan ni Yamato ang kanyang pitong buwang anak na lalaki.

Maalalang, nagmula sa Dipolog ang eroplano at pauwi na sana ng Maynila nang maganap ang aksidente.