-- Advertisements --
pacquiao jogging neil hilario

VIGAN CITY – Naniniwala ang isang batikang sports analyst na ang laban nina fighting Sen. Manny Pacquiao at American undefeated boxer Keith Thurman ay patas o “50-50” na laban sa boxing.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi rin ni Quinito Henson na ang nasabing laban ay magiging very exciting dahil dalawang magagaling na boksingero ang maghaharap.

Aniya, kapwa umano mayroong lamang sa isa’t isa ang dalawa dahil si Thurman ay mas bata ng 10 taon kung ikukumpara kay Pacquiao ngunit lamang naman sa experience ang Pinoy ring icon kung ikukumpara sa Amerikanong boksingero.

Una nang sinabi ni Henson na bagama’t hindi naging impresibo ang performance ng undefeated boxer sa huli nitong tatlong laban, sigurado umano itong magiging all-out ang ibubuhos nito sa laban nila ng Pinoy ring icon ngunit alam din umano nito na kahit medyo nangalawang na ang kalaban ay isa itong tactician na maaaring maglatag ng patibong sa kanya.

Ngunit, tiwala naman ito na kahit na maging 110 percent pa ang Amerikano sa kanyang laban, paghahandaan daw ito nang husto ng Pinoy ring icon at sasalagin ang anumang ibabato nito sa kanya.