-- Advertisements --

Nagtapos sa draw ang 8-round exhibition fight sa pagitan nina Mike Tyson at Roy Jones Jr.

Ang laban ng dalawa na tinawag na “Frontline Battle” ay mayroong tig-dalawang minuto sa bawat round at ito ay sanctioned ng California State Atlehthic Commission.

Gumamit din ang dalawa ng 12-ounce gloves na walang anumang protections.

Pinangunahan ng World Boxing Council (WBC) ang laban kung saan sila pa ang nagbigay ng desisyon.

Naglaan ng criteria ang WBC na ito ay naka-focus sa style, technique, effective punching, effective defense at effective aggresiveness.

Magugunitang naging pinakabatang heavyweight boxing champion sa edad na 20 si Tyson na mayroong 15-0 record sa unang taon niya bilang professional boxer at ngayon ay mayroong 50 panalo at anim na talo ang career record nito na mayroong 44 knockouts.

Habang si Jones ay mayroong 66 panalo at siyam na talo na ang huling laban nito ay noong 2018 laban kay Scott Sigmon.