-- Advertisements --
Ipinagpaliban na ang laban ni dating heavyweight champion Mike Tyson kay YouTuber Jake Paul.
Ayon sa organizer na nababahala sila sa kalusugan ng 57-anyos na boksingero.
Kinailangan kasi nito ng dalhin sa pagamutan habang ito ay lulan ng eroplano mula Miami patungong Los Angeles.
Nakaranas ito ng pagkahilo at pagsusuka habang ito ay nasa flight.
Dahil sa insidente ay nagpasya ang organizers na hindi na ituloy ang laban na gaganapin sana sa Hulyo 20 sa Texas.