-- Advertisements --

Nakahanda na ang YouTube star na si Jake Paul sa paghaharap niya kay dating UFC middleweight world champion Anderson Silva.

Gaganapin ang laban ng dalawa sa Oktubre 29 sa Gila River Arena sa Arizona, USA.

Si Paul ay mayroong limang panalo at walang talo na mayroong apat na knockouts bilang professional boxer.

Habang ang 47-anyos na si Silva ay nagretiro na sa Mixed Martial Arts matapos na isa lamang ang naipanalo niya sa huling siyam na laban nito.

Mayroon siyang 34 panalo at 11 na talo sa kaniyang record.

Pinasalamatan naman ni Paul ang Showtime boxing dahil sa nabigyan ito ng pagkakataon na makaharap ang isa sa pinakamagaling ng MMA fighter sa mundo.