-- Advertisements --

Isasagawa na sa Disyembre 3 ang paghaharap ni dating three- division champion John Riel Casimero at Japanese veteran boxer Ryo Akaho.

Ayon sa promoter ng dalawang boksingero, gagawin ito sa Paradise City sa Incheon South Korea.

Huling lumaban si Casimero noong Agosto 2021 ng talunin niya si Guillermo Rigondeaux sa pamamagitan ng splix decision.

Tinanggalan siya ng WBO world bantamweight title dahil sa dalawang beses itong nabigong idepensa ang kaniyang titulo kay Paul Butler.

May record si Casimero na 31 panalo, apat na talo na may 21 knockouts habang si Akaho ay mayroong record na 39 panalo, dalawang talo at dalawang draw na mayroong 26 KO.

Huling laban ni Akaho ay ng talunin si Filipino boxer Edrin Dapudong sa pamamagitan ng knockout.