-- Advertisements --

Kapwa walang naitalang puntos ang Uruguay at South Korea sa Group H stage game sa nagpapatuloy na 2022 FIFA World Cup.

Naging matindi ang depensa ng ranked 28 na South Korea kaya hindi nakapuntos ang ranked 14 na Uruguay sa laro na ginanap sa Education City Stadium.

Munitk na ng makakuha ng goal si Federico Valverde ng Uruguay subalit ito ay naharang ng goal keeper.

Ang goalless draw ay siyang pang-apat ngayong World Cup.